Tuesday, August 4, 2009

Cory's last political statement against Con Ass



As we pay our last respect to former President Cory Aquino, allow me to share her last and strongly-worded political statement read by grandson Kiko Dee last June 10, 2009 at the anti-Con Ass rally in Makati City.

Minamahal kong mga kababayan,

Ikinalulungkot ko na hindi ko kayo makakasama ngayon, ngunit kahit na mahina ang aking katawan, matatag pa rin ang aking paninindigan na tutulan ang katiwalian.

Over the years, I have learned to endure pain and sadness–first, when Ninoy was separated from us by the hand of a dictator; then, when he was taken from us by the hand of an assassin; and now that I have placed myself at the hands of a merciful God.

But perhaps there is nothing that causes me greater pain than to see our people betrayed again and again by those they have elected to lead and serve them. To those of us who had fought long and hard to restore our democracy, the pain deepens at the thought that all our gains have so quickly been eroded.

Nang mapalayas natin ang diktador, hindi ba’t ipinangako nating hindi na tayo papayag na mawala muli ang ating kalayaan? Subalit, narito muli tayo, sa gitna ng walang-hiyang pang-aabuso ng mga makapangyarihang nagnanais na sirain ang mga pinakapayak sa ating mga batas.

Hindi ito ang pamumunong nararapat para sa atin. Hindi ito ang lipunang nais kong ipamana sa mga susunod na henerasyon, kaya sa ngalan nila at ng aking sarili bilang mga mamamayang Pilipino, tumututol ako sa nais ng mga tiwaling miyembro ng kamara na palitan ang ating Saligang-Batas sa pamamagitan ng isang Constituent Assembly. At nananawagan ako sa inyo at sa lahat ng mga Pilipino na magpahayag ng ating pagprotesta rito.

Nasa inyo po ang tunay na kapangyarihan sa ating demokrasya. Huwag n’yo pong payagang manumbalik ang mga pamamaraan ng mga diktador. Tutulan po natin ang Con-Ass! At ipagdasal po natin ang ating Inang Bayan.

Mabuhay ang sambayanang Pilipino! Maraming salamat po.

No comments: